Estudyante Ako

Ang Buhay estudyante, sigurado lahat ng estudyanteng nag-aaral eh makakareleyt kayo rito..Pwamis… Ang Aking Paglalakbay…(vow)… by: Rosanna Dato

A NURSE LOVE NOTES

For almost four years now I am sick
But no hospital will ADM me.
For they say this is not a DSE
And no available meds can treat me.

I have many different S/S like
When I think of a person Q H S.
I feel a bit angina pectoris
For I think there is something that I miss.

Whenever I have chance to be ĉ him
I feel like I have Parkinson’s disease;
Tachycardia and tachypnea sets in
Adrenalin pumps like I’m in crisis.

I’ve seen many doctors for a Dx
But my V/S is W N L.
Then a friend told me I need no doctor
“You’re just in love! Just go stat and tell her…”

Nusing Terminologies

adm = admitted or admission
dse = disease
meds = medication
S/S = signs/symptoms
QHS = (quaque hora somni) every night at bedtime
angina pectoris = Chest pain
ĉ = with
Tachycardia = increase heart beat:heart:
tachypnea = increase breathing
Dx = Diagnosis
V/S = Vital Signs
WNL = Within Normal Limits
stat = (statim) at once or immediately

A B N K K B S N P L A K O ni Bob Ong

ABNKKBSNPLAKo. Matagal ko na gusto gawan ng review tong libro na to pero di ako nagkaroon ng pagkakataon. Hiniram ko lng ang libro ni bob ong sa aking ________.  Ewan ko, siguro dahil maski isulat ko wala rin namang makakabasa. Hindi na ngayon. Kayo na mangilan-ngilang mambabasa ng blog na ito ang inspirasyon ko para maisulat ang review sa libro na sa tingin ko e pinaka magandang librong Tagalog na naisulat.

Ang ABNKKBSNPLAKo (Translation: Aba nakakabasa na pala ako) ay librong tungkol sa buhay estudyante. Pero sa totoo lang, pagkatapos mong basahin ang libro, malalaman mo na ito ay tungkol sa buhay. Period. Nag umpisa ang kwento simula nang magsimulang mag-aral sa kindergarten ang bida hanggang sa nag-graduate na sya. “First-person narrative” ang style na ginamit sa buong libro kaya naging mas realistic ang kwento. Lahat ng mga kakilala ko na nakabasa ng libro naka-relate sa bawat kabanata sa buhay ng bida. Sabi nga nila, “this book will make you reminisce the good old days.” Yung mga panahon na estudyante pa tayo, walang masyadong problema at puro pakikipagkulitan lang sa mga katropa ang inaatupag.

Habang binabasa ko ang libro, di iilang beses na natawa ako, para nga akong baliw minsan kasi mag-isa ako tapos tawa ako ng tawa. Alam mo yung parang nagbabasa ka ng diary at ikaw mismo ang bida ng istorya. Parang ganun. Tapos meron din mga eksena na parang maluluha ka kasi di naman lahat ng eksena sa buhay natin masaya. Eto sample:

(excerpt sa librong ABNKKBSNPLAKo)

Habang nagsasalo sa hapunan ang pamilya at ilang bisita, nagkaroon ng gulo sa bahay. Gawa ko. Hindi ko sinasadya, pero nagawa ko siguro dahil gusto ko na rin malaman nila na meron pa ‘kong mas malalang kapalpakan na kailangang ikumpisal.

Di na ‘ko nakatagal. Noong gabi ding ‘yon, isinulat ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Letter of apology.

May kahabaan ‘yung sulat. Sinabi ko ang problema ko sa eskwelahan. Sinabi ko ang mga simpleng pangarap, takot, tuwa, galit, lungkot, at panghihinayang. Nag-crack na pala ako sa pressure, hindi ko pa alam. Medyo nagkasabay-sabay kasi ang problema ng pamilya noon. Hindi ko na binigyan ng karapatan ang sarili ko na humingi ng tulong para sa sarili kong problema. Sinabi ko na wala akong naging masamang bisyo. Nawalan lang talaga ako ng interes sa pag-aaral. Nalito. Napagod. Hindi ko nakasundo ang buhay-kolehiyo. Nawalan ako ng tiyaga… ng pag-asa… ng pangarap… at ng minamahal.

Naisulat ko ang lahat ng hindi ko kayang sabihin.

Nagkausap rin kami ng mga kapatid ko, tubigan ang mga mata, basag ang boses, at nanginginig ang bawat salitang binibigkas. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka. Noong gabing ‘yon ko lang naramdaman na huminto ang pamilya para lumingon sa pinakabatang miyembro. Isa lang ang hiniling ko sa kanila: ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.

Wala ang mga magulang ko noong panahon na ‘yon. Nasa probinsya ang nanay ko, nasa barko ang tatay ko. Matagal bago ko sila nakausap. Alam ko ang dismayang pasan ng balita, pero alam ko rin na alam ng tatay ko na kung may madidismaya, ako ‘yon. Nagtanong s’ya kung ano ang nangyari at kung ano ang binabalak ko, pero hindi na s’ya naghanap ng paliwanag. Sa maikling pag-uusap, hinayaan n’yang maisip ko na may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.

-end-

Ang sumulat ng librong ito ay si Bob Ong. Pinoy. Di ko alam kung meron pa nito sa National Bookstore. Sabi nila out of stock na. Pero kung makakita ka pa ng kopya siguraduhin mong magkaroon ka. Paminsan-minsan, masarap balik balikan ang pinkamagandang kabanata sa buhay nating lahat – buhay estudyante.

Wala nang inatupag kundi…ang…

Wala na akong inatupag kundi ang friendster araw araw para lng tignan kung my nag-comment at salamat naman patuloy pa rin my sumusuporta sa aking fs, this week puro na lang capture ng photo with my cam, at pagpopost ng blog o kaya pagdradrawing at pag-eedit ng photo ang ginawa. Kumain at matulog lng ang ginagawa ko o kaya, nagbabasa ng blogs ng iba…kaya inspired ako magsulat minsan… Pero kahit papaano eh, ginagawa ko pa rin yung thesis namin syempre… ayoko naman na wala kami maipasang thesis eh baka di na kami mag-gradweyt nyan…sembreak pero hindi break eh..lagi ka naman pupunta sa school at titignan ang mga mababang grado ko, at least pasado pa sa 75…hehehe! ilang buwan na lng ang nabibilang, magtatapos na nman ang taon, christmas, new year at ang aking pinakahihintay, ang mapunta sa entablado at makuha ang diploma kong Bachelors Degree in Nursing (Graduation Day)… Oh dibetch??? But first op ol i wud layk to teynk GOD for ol da tings he heb dan to mi for haw meni yirs in may stadi en tru da layp pat i teyk! teynk yu…Maraming salamat sa inyo mga kapeeps!!!

KABA sa mundo ng NURSING

Ikaw naranasan mo bang kinabahan?

Oo ako, naranasan ko na. Lahat naman ng tao eh nakakaranas nito, lalong lalo na pagdating na oras na pinakahihintay mo.

Sa aking mundo ng nursing, ito ang una kong naramdaman ang “kaba”. Bakit nga ba? Heto’t tunghayan natin ang aking istorya.

Sa una’t una pa lamang eh kinakabahan na ako kung bakit nga ba nursing ang kinuha kong kurso eh napakahirap daw ito, nakikita mo daw yung mga dugo at iba pa…

LEVEL 1. Sa aking mundo ng nursing, ang unang hakbang ko sa level 1, ay lalo akong kinakabahan, kasi di mo kilala kung sino ang magiging mga klasmeyts mo at mga titser mo. Kinakabahan kung ikaw ang lowest sa klase pagdating ng exam. At kinakabahan kung papasa ba ako sa major subject kong zoology at anatomy and physiology. Baka maging buto’t balat ka na sa imememorize mong 206 bones. Kinakabahan kung papasa ba ako o hindi ako papasa sa final judgment. Hay! Salamat naman sir/ma’am pasado ako.

LEVEL 2. Sa aking ikalawang hakbang sa aking mundo ng nursing eh mas lalo na naman akong kinakabahan. Pahirap na ng pahirap eh. Next level na kamo. Kinakabahan kung ikaw ay leyt sa klase mo sa RLE dahil 1:7 na naman ang make-up. Kinakabahan kung ikaw na naman ang lowest sa Health Care at Com.Dev. Kinakabahan kung di mo alam ang gagawin sa OSCE.  At ang pinakahihintay ang huling resulta kung pasado ba o hindi pasado. Hay! Isang malakas na inhale at exhale na naman dahil pasado pa rin at nakakalusot. Salamat ulit sir/ma’am. Pang-next level na ha!

Level 3. Sa aking ikatlong hakbang, mas lalo na naman pahirap ng pahirap. Kinakabahan dahil eto na, mae-expose na ako sa hospital. Kinakabahan kung baka mali ang aking nurses notes baka ko mailagay sa doctor’s order. Kinakabahan dahil di mo alam mag-compute ng dosage Q=D/S x q .At baka magpalit pa kayo ng pasyente ng groupmates mo. Lintik at patay kang bata ka. Kinakabahan kung papasa ba sa Psychiatric in Nursing, na halos mabaliw sa kakaisip sa 600 na oras, 36000 na segundo, 28 weeks, apat na buwan ng pagklaklase sa subject na ito. Baka ka agad mapunta sa Mariveles Mental Ward. Kinakabahan kung matatanggap ko ba ang aking pinakahihintay ang “Capping and Pinning”, para makapag-affiliate sa Philippine Orthopedics in Manila. Kinakabahan kung di mo alam ang sagot, at baka ka magka-cerebral edema ka at magkakaroon ng diagnosis na CVA (Cerebruvascular Accident). Kinakabahan kung di mo alam ang iisagot sa Case Presentation at baka ka magka-pitting edema buo mong katawan at nagdidiaphoresis sa harap. Kinakabahan kung papasa sa NCM 102 para sa final judgment. Salamat ulit poh, pasado pa rin.

Level 4. Eto na, eto na ang pinakahihintay ng lahat. Halos naka-inhale at exhale naman ako ng sampung beses. Pero kinakabahan pa rin kung papasa sa NCM at Nursing Ethics. (sana nga).Kinakabahan kung papasa ka ba sa long at unit exam na pang-board type exam pa. Oh! Laban ka? Kinakabahan na hanggang ngayon eh di mo alam macompute-compute ang ibibigay mong medication. Kinakabahan kung di mo alam mag-skin test, baka sa IM diretso. Kinakabahan kung di mo alam ang gagawin sa OR/DR, at baka magka-nosebleed ka sa mga nakikita mong dugo. Kinakabahan kung magkamali ang iiject na oxytoxin baka sa IM diretso, at ikaw pa ang maging pasyente namin sa DR. Kinakabahan rin kung baka magakamali ang isagor mo sa Case Presentation, eh mare-bump agad ang case. Kinakabahan kung ikaw ba’y nahawa ka pasyente mong may TB na galing sa San Lazaro Hospital. Kinakabahan kung alam ko ba ang isasagot sa thesis proposal namin. Ahem! Kinakabahan kung kasali ka ba sa list of graduates sa taong 2009. Kinakabahan kung matatanggap ko ba ang aking diploma sa entablado. At sa final judgement…. ABANGAN…

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA…

Goodbye, My friend

Goodbye my friend, goodbye, goodbye,
My regards and wishes send,
The cold nights even colder,
The summer at it’s end…

I’ll live life in your memory,
I’ll see it through your eyes,
I’ll remember when it was just you - and me,
As you spirit flies.

My selfishness wants to hold on,
Though gone you assuredly are,
I cannot admit it’s said and done,
Though even now you soar afar.

I wanted you to remain,
Though it was your time,
Life will never be the same,
I see this outrage as a crime.

You were always here for me,
When no one else was there,
You promised to accompany me,
Anyplace and where.

I’ll miss everything you symbolized,
I’ll regret it every day,
But perhaps one day I’ll realize,
It’s meant to be this way.

Goodbye my friend, goodbye indeed,
Safe travels where you roam,
Just know you will always have me,
When one day you come home…

Unhappy Birthday Wishes

Once again my birthday has drawn near
of this I certainly fear as I find myself
asking why am I even here.
Just another reminder of goals not achieved
Its just another day
Things happen in an array
Greetings for a closer death
One more year lost of youth
I want to scream as you can see
every time someone says happy
birthday to me.
I hate birthdays
i’ve had quite a few
i hate birthdays and
so should you
It is not a myth
I am telling the truth
Candles remind the fire
Bringing thoughts of funeral pyre
Cake tells us "awake"
Oh what will this next year you make
Party is the last meet
"Him" we can’t cheat
I hate my birthday
I don’t treasure the day
I will not be gay
One day I will lay
All are going to die
None can stop by a cry as each year
repeats itself by and bye

FIRST DAY…

FIRST DAY… Achuuu!
Hello ebradi! Medyo nawala lang naman ako ng ilang araw kung kaya’t heto at hindi masyado naging aktib dito sa blogosphere. Oh well face towel, naging besi-besihan ang inyong lingkod sa kanyang college layp. Naroon na nakipagchikahan to the max ang lola nyo. Nakipagsuntukan muna sa mga kumpare ko. Nakihunting ng mga fafables. At nang-api ng mga freshmen. Bwahahaha.
P
aano nga ba ang takbo ng buhay ko noong first day of classes, oh well face towel, hindi naman na ako tatanga sa kakahanap ng mga rooms. Ekshelli, ako pa nga naggaguide sa mga freshmen eh. Wapak! Dahil Tuesday ang first day of class namin (loka-loka talagang Gloria! lahat na lang minomove! Kulang na lang pati Krismas at New Year! Gumawa na lang kaya siya ng sarili niyang kalendaryo!), eh 8:00am tuloy ang pasok ko. Bale ang pangwelcome back to school ko na subject eh Life Works of Rizal. Wala naman akong kaide-ideya sa subject na yan. Ano bang meron diyan? Sabihin niyo naman sa akin dahil hanggang ngayon natapos na ang isang Linggo eh hindi pa rin sumisipot ang instructor namin.

(Ako yung babae dyan na nakaeyeglass! Pero take note! Hindi lahat ng nakaeyeglass eh matalino. Tulad ko!)
9:00 ay ang aking NCM 104 I na minamahal at sa awa ng Diyos eh first day of classes eh sumipot agad siya sa usapan namin. Wahihihi. Ayun, earthquake at fire drill tsenes na paulit-ulit at ilang beses na uulitin at uulit-ulitin hanggang sa mabaliw ka na sa kakaulit. Ay ewan. Basta okey naman ang instructor.
Apter dat, eh break naming g isang oras. Susunod na ang Nursing Ethics namin (2-3pm) at takot na takot to the max ang lola nyo. Marami kasing nagsasabi na si ganito eh mabait kaya maganda kung siya instructor niyo. Ok si ganyan kasi sure pass. Okey si iyan kasi mabait pero boring. Hay. Kaya todo dasal naman daw ako na sana swerte sa instructor.. Sure pass (75!) naman daw sa kanya. Pero, syempre ayaw ko naman na makuntento sa 75. Diyosko! Kung nagkataon eh di may palakol na ngayon sa record ko. Ayaw ko naman iyon! Amp!

(Kamukha ng halos lahat iyan yaong mga instructor ko! Hahaha!)
Iyan lang naman ang ilan sa mga kaganapan na nangyari sa aking pagiging seniors sa nakaraang pasukan.

Jeepney University of the Philippines

<!–
/* Font Definitions */
@font-face
{font-family:"Cambria Math";
panose-1:2 4 5 3 5 4 6 3 2 4;
mso-font-charset:0;
mso-generic-font-family:roman;
mso-font-pitch:variable;
mso-font-signature:-1610611985 1107304683 0 0 159 0;}
@font-face
{font-family:"Century Gothic";
panose-1:2 11 5 2 2 2 2 2 2 4;
mso-font-charset:0;
mso-generic-font-family:swiss;
mso-font-pitch:variable;
mso-font-signature:647 0 0 0 159 0;}
/* Style Definitions */
p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal
{mso-style-unhide:no;
mso-style-qformat:yes;
mso-style-parent:"";
margin:0in;
margin-bottom:.0001pt;
mso-pagination:widow-orphan;
font-size:12.0pt;
font-family:"Times New Roman","serif";
mso-fareast-font-family:"Times New Roman";
mso-ansi-language:EN-GB;
mso-fareast-language:EN-GB;}
.MsoChpDefault
{mso-style-type:export-only;
mso-default-props:yes;
font-size:10.0pt;
mso-ansi-font-size:10.0pt;
mso-bidi-font-size:10.0pt;}
@page Section1
{size:8.5in 11.0in;
margin:1.0in 1.0in 1.0in 1.0in;
mso-header-margin:.5in;
mso-footer-margin:.5in;
mso-paper-source:0;}
div.Section1
{page:Section1;}
–>

Sino
ang magiisip na mayroon palang Jeepney University sa Pilipinas? Saan kaya ito
matatagpuan? Sino-sino kaya ang mga estuidyanteng nag-aaral dito? Magkano kaya
ang tuition fee dito? Iyan ang mga tanong na bibigyan nating kasagutan.
Ang Jeepney University Philippines La Salle of the ay isang unibersidad
kung saan lahat ay pwede mag-enroll. Maraming courses ang ino-offer dito.
Sigurado ay may makikita kang perfect para sa iyo. At napakaraming rooms ang
available kaya naman kayang-kaya nitong i-accomodate lahat ng estudyante nito.
Iba’t iba ang itsura ng mga room nito. May luma at may bago. May ma-ilaw at
mayroong madilim. Mayroong may music at mayroon din namang wala. Ito ay
matatagpuan sa buong Pilipinas. Nakakagulat ba? Malaki pa ito sa , Ateneo at sa UP. Ano? Mag-eenroll ka ba?

Sino
ang pwedeng mag-enroll sa
 Jeepney University of the Philippines?

LAHAT!
Bata, matanda, disabled, may asawa, estudyante sa ibang eskwelahan, kick-out sa
ibang eskwelahan o kahit ang mga tinatawag nating out of school youth.
Lahat ng gustong mag-aral dito ay pwedeng mag-enroll. Walang hinihinging
maintaining grade. Walang ID. Hindi nagbabawal ng failing grades. At hindi
nagkikick out. Pero kahit ganoon, may mga ipinagbabawal parin dito.

Anu-ano
ang mga RULES dito?

(1)
Bawal ang manigarilyo! Hindi lahat ng estudyante sa
unibersidad na ito ay naninigarilyo kaya gumalang tayo sa kanila. Hindi man
sila mismo ang naninigarilyo, naaapektohan parin sila dahil nalalanghap nila
ang usok na binubuga ng mga naninigarilyo. Huwag mo nang subukang manigarilyo
sa loob ng unibersidad o sa loob ng room, baka mahuli ka pa at mapagmulta.

(2)
Bawal ang gumamit ng cellphones, MP3s at kung anu-ano pang mamahaling
bagay!
Ito ay isa naring babala na para rin sa ating sariling
kapakanan. Marami ang magnanakaw sa unibersidad na ito. Maraming mapagsamantala
at maraming inggitero’t inggitera. Kung ayaw mong mawala iyang mamahaling
gadgets mo, itago mo nalang o iwan mo nalang sa bahay.

(3)
Bawal ang hindi magbayad ng tution fee! Mahiya naman tayo.
Murang-mura lang ang tuition fee dito. Affordable naman sa lahat ng gustong
mag-aral. Kaya nga lang, nakadepende sa presyo ng gasolina. Kapag tumaas ang
gasolina, tataas din ang tuition fee. Pero huwag kang magalala, marami ka
namang matututunan sa unibersidad na ito kaya "sulit na sulit
talaga!"

Magkano
ang Tuition Fee dito?

Murang-mura.
7.50 pesos para sa mga regular students. 6.00 pesos naman para sa mga
mabibigyan ng scholarship. At syempre, hindi lahat ay nabibigyan ng scholarship.
Ang mga may scholarship lang ay mga matatatanda (senior citizen ng Pilipinas),
mga disabled (huwag naman tayong magpanggap na disabled para lang makakuha ng
scholarship! hehe..) at ang mga estudyante rin ng iba pang eskwelahan. Para sa
mga hindi makakakuha ng scholarship, ok lang yan! Sulit naman ang 7.50 niyo eh.
Marami tayong matututunan sa
.

Anu-ano
ang matututunan dito?

Jeepney University. Syempre

tulad din ng ibang eskwelahan at unibersidad, nakadepende sa kursong kukunin mo
ang mga matututunan mo. Pwede ka namang kumuha ng iba’t-ibang kurso eh, yun ay
kung kakayanin mo. May mga kursong pangmatagalan at meron din namang pangshort
time lang. Ang future mo ay depende sa pipiliin mong kurso. Ang pagkakaiba nito
sa ibang unibersidad, maiaapply talaga natin sa pang-araw-araw ang lahat ng
matututunan natin sa
. Kung mabiis
kang pumick-up, pwede mong matapos ang isang kurso sa isang araw lang. Hindi ba
tama ang sinasabi kong sulit na sulit ang tuition fee mo. Minsan naman ay
kailangan pa nating paulit-ulitin ang pagsakay sa Jeepney University para
matutunan lahat ng subjects. Syempre, hindi naman lahat ng tao ay mabilis
pumick-up.

Mabilis
ang takbo ng lesson sa Jeepney University
kaya dapat ay
alisto ka sa kapaligiran mo kung hindi ay mapagiiwanan ka. Ang subject ay ang
mga nakikita natin sa labas ng room. Ang mga building, mga puno, mga tao, at
kung anu-ano pa. Hindi kasing babaw ng iniisip mo ang mga subjects na ito. Ang
pag-aaral sa
Jeepney University
ay
napakalalim. Bawat detalye ay hinihimay. Bawat impormasyong nakukuha ay dapat
na tinatandaan. Wala mang assignments at quizzes na binibigay, malalaman din
nating ang importansya ng mga natutunan natin sa unibersidad kapag tayo ay
nagtrabaho na at kapag oras na para iapply lahat ng ating mga natutunan.

Iba’t
ibang kurso dito:

Divisoria
- Morayta
: Kahit maikli lang ang byahe dito, marami ka
namang matututunan. Malalaman mo na may mga bata palang nakatambay sa ilalim ng
LRT hawak-hawak ang plastik na may lamang rugby at inaamoy-amoy ito atbp.

Morayta
- Cubao
: Mahaba ang byaheng ito kaya marami ring
matututunan. Maraming magagandang tanawin dito. Ang fountain ng UST kapag
hapon, ang pagiging baha ng espanya kapag umambon at ang green na paldang
bumabalot sa kahabaan ng morayta (sila ang patuloy na dumaraming estudyante ng
FEU).

Ilan
lamang ito sa mga kursong pwedeng kunin sa university. Panigurado ay makakapili
ka naman perfect para sa iyo.

Sana lang ay hindi pare-pareho ang mga kursong kinukuha natin sa araw-araw. Kung
hindi ay magiging routinary na ang pag-aaral natin sa

Jeepney University

.
Huwag tayong matakot na kumuha ng ibang kurso dahil siguradong sa bawat kursong
pipiliin natin ay napakarami nating matututunan!

Guro. Ang guro natin ay ang driver ng Jeepney na sinasakyan
natin. Tutulungan niya tayo na makarating sa lugar na gusto nating
puntahan. Iba’t iba ang klase ng teacher. May mabagal magdrive kaya kung minsan
ay nakakaantok ang takbo ng lesson. May teacher na kasing bilis ng Tamia kung
magpatakbo ng lesson kaya minsan ay sobrang nakakapagod at mahirap makuha ang
mga lesson.

Mga
Kaklase.
Iba’t ibang klase ng tao ang mga makakalasaluha
natin sa loob ng university. Ito ang ilan sa kanila:

(1)
Mga usyusero’t usyusera. Sila ang parating nakasubaybay sa
lahat ng ating ginagawa. Nakikinig sila sa pinagkekwentuhan natin ng ating mga
kaibigan at nakatingin din sila sa ating mga binabasa.  Hindi naman
masama ang kanilang ginagawa. Kaya lang minsan ay sumosobra na sila sa kanilang
limitasyon.

(2)
Mga mapagsamantala. Sila ang mga magnanakay sa room. Sila
ang dapat nating binabantayan. Kung may mga mamahaling gamit ka sa bag o bulsa
mo, maging alerto! Mga professional ang mga ito. Hindi mo nalang mapapansin na
butas na pala ang bag mo at wala na ang wallet mo. MAG-INGAT!

(3)
Mga nagpPDA. Sila ang walang pakialam sa mga sasabihin ng
ibang tao. Nagpapakita ng kanilang affection sa lahat ng kanilang mga nakikita.
Alam ko kung ano ang principle ng mga ito sa buhay, "Wala kayong magagawa
kung ito ang gusto kong gawin! E ganito na talaga ko eh!"

Sana lang ay matuto tayong pumili ng mga
bagay na bibigyan natin ng ating affection.

Sana

piliin natin ang mga bagay na may
katuturan at may mas malalim na ibig-sabihin.

(4)
Mga may body odor. Nako po ang dami niyan! Sa halos 5 taon
kong enrolled sa

Jeepney University

marami na
akong naexperience na ganyan. Ito lang ang masasabi ko,

Sana

lang ay maging conscious tayo sa ating

kalinisan sa katawan.

(5)
Mga feel at home. Sila ang mga taong pumapasok at nagbabayad
ng tuition fee sa
Jeepney University

 

para matulog.
Sayang naman ang binabayad ninyo kung araw-araw ay ganito ang ginagawa niyo.
Marami kayong matututunan sa University kaya

Sana ay maging mapagmasid sa ating paligid
para pagkatapos ng ride ay may nakuha naman tayong kahit anong aral na pwede
nating maiapply sa ating buhay.

Ilan
lamang yan sa mga pwede mong makasalamuha sa

Jeepney University

Maghanda at maging alerto sa mga taong ito.

Sa
tuwing pumapasok tayo sa Jeepney University,

sana

ay huwag nating kalimutan ang mga
sumusunod:

(1)
Magbayad ng tuition fee kung ayaw mong mapahiya.

(2)
Maging mapagmasid at alerto sa mga nangyayari sa loob at labas ng university.


Dito natin makukuha ang lessons nating sa araw-araw ng pag-aaral natin sa. Huwag ka lamang sumandal at
matulog! You musta learn how to Enjoy the Trip!

(3)
Magpasalamat sa Diyos! Kahit na maliit lang ang litrato na makikita natin sa
bandang harapan ng room, huwag parin nating kalimutang magdasal at magpasalamat
sa lahat ng biyayang natatanggap natin sa araw-araw. Kung mapapansin natin, ang
litrato ay makikita sa gitnang-harapang bahagi ng mga room sa

Jeepney University

. Ang ibig-sabihin nito ay
dapat na maging sentro ng lahat ng ating ginagawa at natututunan ang Diyos.
Kaya sa lahat ng nangyayari sa araw-araw ay huwag

sana

nating makalimutan na magpasalamat sa
kanya dahil hindi niya rin nalilimutan na ibigay ang lahat ng kakailanganin
natin sa pang-araw-araw nating pamumuhay… Pagpasok natin sa Jeepney University,

sana

man lang
ay sambitin natin ang mga salitang "God Blees our Trip!"

 

Gusto
ko lang ipahiwatig na ang Jeep na sinasakyan ng marami sa atin ay parang ang
ating pagaaral. Sa bawat pagsakay natin ay napakarami nating matutuklasan at
malalaman tungkol sa mga tao, bagay at mga pangyayari. Isa sa gusto kong
ipahiwatig ay hindi lahat ng bagay na ating matututunan ay nasa
libro. Marami ring matututunan sa araw-araw nating pagsakay ng jeep. Huwag din

sana

nating makalimutan
na magpasalamat sa Maykapal sa lahat ng ating natututunan.

 

Biyahe

Mula sa pag-usod ng mga gulong
Aking nasasaksi, palipas na mga puno
Mga puti, at itim na mga ulap
Maging kalsada na tila ako’y nasasadsad

Sa pag-alis ay kay lamig
Di ko madama ang sariwang hangin
May salamin na naghihiwalay sa amin
Alam ko, sa pagbaba, init ay makakapiling

Sa loob, maaaring ika’y nakaupo o nakatayo
At iilan lamang ang may mabuting puso
Alin man sa dalawa, ika’y mababalik tono
At minsan, ulan ay sasalubong sa’yo

Sa una’y paambon-ambon lang
Hanggang ito’y unti-unting lumakas
Ngunit may oras na ika’y sisilong
Mananatili ang sa baluti’y bakas

Maaaring mukha ang mapupunas
Subalit ang katawan sa ulan ay basa
Sa haba ng biyahe, ika’y mapapagod
Ngunit bawal tumigil, kailangan tuloy ang usod

Marami kang lalagpasang mga puno
Minsan di mo na sila ma’mata
Puro gusaling gawa sa bato
Malapit na, hintay lang, ikaw din ay bababa na…

Sikat na si Pepe

Sikat na si Pepe.
Kaibigan ko yang si Pepe.
Sabay kaming umuuwi mula sa eskwela.
Hati kami sa baon niyang tinapay at kesong puti.
Sariwa pa sa aking alaala, nalalasahan ko pa ang lasa.

Sikat na si Pepe.
Matagal na kaming di nagkikita ni Pepe.
Sikat na nga si Pepe.
Nabasa ko ang pangalan niya sa dyaryo.
Narinig ko sa radyo ang tinig niya.
Sikat na nga siguro si Pepe.

Sikat na nga si Pepe.
Muli kaming nagkita sa kalye.
Magulo, nagtatakbuhan, parang Moro-moro.
Lumilipad ang mga tsinelas, parang Tumbang Preso.
Maraming nakaharang sa daan, parang patintero.
Nakita ko si Pepe, hinahanap niya ang kanyang tsinelas,
Duguan ang kanyang mukha, tumatangis, humihingal.

Kinabukasan, nakita ko ulit si Pepe.
Nakayapak at balisa at di mapakali.
Yaon ang huli naming pagkikita.
Nakalimutan na ko ni Pepe.
Marahil ginusto niyang makalimot.
Siguro nga sikat na siya, ngunit bakit
di ko na nabasa o narinig ang pangalan niya?
Sikat na ba siyang talaga?